Tuesday, September 06, 2005

Text Jokes

Hindi muna ako magsusulat tungkol sa Nature Appreciation. Yung previous post ko introduction pa lang pero detalyado na. Kaya dapat detalyado rin ang Nature Appreciation Part 2. Hirap pala! Hindi naman ako magaling magsulat ng kuwento. But I'll take it as a challenge.

Dahil magpopost ako ng tungkol sa isang contemporary Filipino culture, Filipino muna gamitin ko. Pero informal lang. Mahirap magsulat sa purong Filipino.

Kagabi kasi maraming bumabagabag sa akin. Medyo hindi ako makatulog. Ayokong sabihin ang mga dahilan dito kasi ayokong maalala sila kung babasahin ko man ulit ang posts ko sa hinaharap. Bad mood ako kagabi so kinuha ko cel ko at nagbasa ng messages sa inbox ko. Alam ko kasi na karamihan sa hindi ko ibinura ay mga jokes, tapos karamihan pa sa kanila napakagreen. Kaya masaya!

Punyeta! Namatay cellphone ko! Empty batt na! Ikopya ko sana dito yung mga text jokes, pero wala nang pag-asa. At least for now. Ituloy ko na lang 'to bukas. Nasa school pa kasi ako at wala akong charger.

Lintik na pagkakataon 'to!

0 comments: